Friday, December 16, 2011

Sa pagitan ng kahapon at ngayon

“Sa pagitan ng kahapon at ngayon”
ni nonoy Narciso
revised March 23, 2008 Catalunan Grande


Panahon: gabi. Sa kwarto. Sa isang bayan. Dalawang matanda . Sila nalang dalawa ang naiwan sa bahay.. sa kanilang sariling bahay … ang mga anak nila’y nag-sarili narin.. at nag-asawa... isang panahon sa isang sulok.. sa isang takdang panahon...

Mga karakter:
Lola eneng :
tipikal na matanda….
ang damit duster, na may long sleeve na nakasapaw at may belo para sa lamig

Lolo Iniong:
tipikal na matanda
nka pajama. Naka sando t-shit sa loob at nakasapw ang polo.. suot ang salamin.. may dalang tungkod. May tuwalya sa balikat .


Una at huling tagpo

Lolo Iniong :
Unang maririnig ang plawta pagdaan ng 16 counts
papasok ang gitara ( am, dm , e hold x ….) 16 counts …
Nakapwesto na si lola eneng at lolo iniong sa gitna ng entablado.
Ilaw naka dimmer lights, spot light( yellow at blue) over the head ang ilaw
Pag – middle light na , tamang –tama Makita na ng tao ang mga nagsidula , umpisa na sa pagtimpla nga kape ni lola eneng..

Lola Eneng:(Nagtitimpla) ( ang gitara parang mga bulong… maririnig ang mga rainstick at percussion na buto)
INiong gumising ka na, magkape ka na.

Lolo Iniong: (babangon) O ba’t madilim, walang ilaw (uupo sa katre) . (Palingun – lingon sa paligid)

Lola Eneng: Sira ang generator ng bayan.

Lolo Iniong: Eh, kailan daw maayos?

Lola Eneng: May katagalan din, gaya ng dati

Lolo Iniong: (babangon mula higaan, at uupo din sa mismong higaan)

Malamig ang hangin. (iyayakap ang sarili) Tamang – tama mainit ang kape (lalakad patungo ng lamiseta, mahinag – mahina)


Lola Eneng: Nasasalamin ko ang kasaysayan ng ating paglalakbay, tingnan mo hindi matapus – tapos ang tinatahi ko, wala ng lakas ang mga kamay sa dilim (pagagalawin at titigan ang mga daliri) kay hirap gumalaw sa dilim ng liwanag.

Lolo Iniong: Hindi ka na nasanay (iinom ng kape may katagalan)
Eh ‘ di naman tayo ipinanganak sa liwanag ng makabago. Nagsusunog tayo ng apoy sa gabi (titigan ang lamparilya)

Lolo Eneng: Maaga tayong natutulog noon... at kay bata pa ng panahon (hihigop) subalit kay ikli na ng gabi sa bawat paglusaw ng kandila. Gayunman, palalim nang palalim ang gabi dahil sa mga panaginip.

Lolo Iniong: Malamang kung gaya ng dati... matitira at mababato ang mundo sa isang sulok. Parang abo ng lupa, maiisang tabi na lang tayo.

Lola Eneng: Ngayon, mas lubhang lumalalim ang gabi ng kasaysayan at lalong tumindi ang sinag ng kaunlaran.... makulay na kumukutitap ... sa hapag nga kaunlaran..

Lolo Iniong: Marahil, ganap na ang kanilang panahon. Binubuhay sila ng ilaw... Noo’y hawak natin ang oras... Eh, paano sa katandaan natin, kaunlara’y napapalagay sa huli !..bagama’t malakas man, nanghihina pa rin.

Lola Eneng: Kay ikli ng buhay habang pinagmamasdan ko ang ilaw. Nanghihina ang katawan ko. (uubo)

Lolo Iniong: Eneng, lumalala na ‘yang ubo mo. Diyan ka muna at kukuha ako ng tubig (kukuha ng tubig nang may medyo katagalan, e susustain ang gitara. Mas malaks konti,,mas malalim ang emosyon) Uminom ka, dahan – dahan lang.

Lola Eneng: Salamat sa Diyos, nararamdaman ko, nararamdaman ko na...

Lolo Iniong:

Magpahinga ka na.Ala una pasado na ng madaling araw
(kakamot at hihimasin ang noo) (sa ilang sandali lalapit sa kandilang may sindi lalapit at bubulong – bulong)

Mahina ka na rin... ganon din ako.. (ita-taas ang kaliwang kamay… dahan-dahang ipagagalaw ang mga kamay ilalap[at sa kandila… o palad ..kaedad mo na nga ang panahon.. kumukolubot… natutuyo. Makukupas, kumukupas…

Ang ilaw… nakakasilaw ang ilaw … ang liwanag sa gabi… ang tanging liwanag sa sulok…
gayunpama’y.... tanaw ko pa rin ang liwanag.. mga naglalarong kulay... lumalagablab na kulay...nasusunog na ala-ala… nawawalay..

subalit huwag kang mag – alala... mananatili ang apoy...ang mga usok kakapit sa bubong… sa kurtina.. sa paligid… o sa ala-ala ...
ang apoy ng kahapon... magaganap ang magaganap... masakit.... (sa dibdib) (hihinga nang malalim)
O ilaw... Sino ka nga ba...
O liwanag sino ka nga ba...
Sino ba talaga ang liwanag (papatayin ang liwanag)

(Lights Off) patuloy ang rain stick…

No comments:

Post a Comment